Sunday, August 27, 2006

hi blog.. kmusta ka na??

andami ng nangyari sakin.. saya saya..

16 years old na ko!! hehe. pwede na ko mag drive.. pero students palang.. ever. so happy. tapos.. tapos na rin pala ang perio.. at nako. epal. vexatious! to da highest level. my gosh!

nu pa ba.. kakatapos lang nung sabayang bugkas namin nung friday.. 2nd place kami! yey! hehe. ang nakakalungkot lang dun e ni isang praktis ala akong naattendan dahil kakagaling ko lang sa sakit. yep. sakit nanaman. nag gawad kalinga kasi kami nung week before. e nalanghap ko yung pintura, kaya aun. lagnat. at hindi lang rin practices ang namiss ko dahil sa sakit na yan.. mga 2 weeks before pa e nagkasakit rin ako.. namiss ko yung pagpunta dun sa mandarin oriental para sa asimo. sayang sayang. avo na nga lang ang excused, hindi pa ko nakasama! tsk.! hmmp!

ngayon, ngongo pa ko.. pero nagpapagaling na. hehe.



research week na namin bukas! ang saya.. ang saya saya saya talaga.

may project na kami! woohoo! pero bad trip nanaman dahil hindi ako nakasama sa batangas sa pagkuha ng sponge namin. korni noh? pero ganun talaga.. ikkwento ko nalang. so after namin magpresent nung friday, umalis na agad ang ip4. except me. ako lang naiwan sa grupo namin. what about?? so ayun. kanina, nagtext na ko sakanila. at nakakuha na sila ng sponge! yey! may project na kami. yeboy! petri dish at glycerol nalang ang aming pinoproblema.. dahil masyadong mahal ang nakita ko. tsk. cash cash cash..

nagpagupit na rin ako! actually onti lng binawas. pinapantay ko lang yung gupit. hehe. may bago rin akong damit.. ever. bibili ulit ako next week.. para masaya!

Sunday, July 09, 2006

.1

bubuhayin ko ulit ang blog ko. almost one month na kong hindi nagpost, at siyempre ang dami ng nangyari nun. pero sa sobrang dami, hindi ko na maalala lahat kaya ilalagay ko nalang dito yung mga naalala ko..

* nagpresent kami sa pinoy. kabanata 6: si basilio. ansaya saya nito kasi sa totoo lang, wala kaming practice. nung umaga lang ng day na magppresent kami and practice namin. kaya siyempre, todo adlib ang mga tao. kagrupo ko BGs kaya masaya. lalo na si anna! grabe. tawa kami ng tawa kahit nanagppresent. at obviously, pati mga classmate namin at si maam ay natuwa. at eto pa, sabi pa ni maam..HANDANG HANDA daw kami. galing db? dinaan nalang namin sa background at lights. eber.

* nag LT na kami sa physics at math. katangahan nnaman pinairal ko sa physics. nakuha ko na nga yung tamang sagot, final answer pa nagkamali. hmmph! neweis, wateber. sa math naman.. aus lang.

* July 6

nag diagnostic test din kami. hanggang 2 yun dapat pero mga 10.30 o 11 ata tapos na kming lahat. so tambay mode nalang kami sa room. after nun, punta kaming up para sa research. at grabe. ayaw naming magpaikot ikot sa up. lakad dun, lakad dito. tas nagkita pa kami ni te en. kaya nagsabay na kaming umuwi.. kaasar pa yung nakausap naming isang lalaki, antipatiko siya! sana may matulong siya samin. andami ko ring nakita dun..mga dating xientians. hindi ko makakalimutan yung araw na yun. first time, nakatulog ako sa jeep. yep. nakayuko ako tas tulog. saya! napagod kasi sa kakalakad. tsk tsk.

masaya rin yung week na un..july 3-7..buong linggong alang homework! yeah!

* Maam Guggie KYUUUUT! haha. mahal na mahal namin si maam guggie e. lagi pa kong napagttripan. kyut daw yung cheeks ko, laki laki daw kasi. haha!

* nagsimula naren yung review classes sa school.

* nung June 24, nagpunta kami kila ace para icelebrate ang birthday niya. june 22 talaga birthday niya, at nagkaron naman ng 'celebration' sa school kasi baon ko nun chicken, si meme cake, tas si ace nagdala ng spag. o db? party talaga. so aun. nakita na namin si kevin. hindi siya ganun ka wafu..pero macho siya. MACHO pare.

* malapit na pala upcat. haha. hindi ko mafeel. pano, hindi ako nag aaral..tsk tsk.

******

pero siyempre, may malupet na kalungkutan din. malupet kung malupet. tsk tsk.

ever. haaaaaaaaaay..

Sunday, June 11, 2006

1st week high.

tapos na ang first week high!

hehe. nameet na namen lahat ng mga teachers namen, may mga gamit na, homeworks, quizzes, pati projects meron naren. back to our normal high school life... But that's okay 'coz i actually enjoy going to school; even though I have to climb 3 floors just to get to our room. *whew!*


Hmm..What else? Oh yeah. We have a new research member, Migs. *hurrah!* Ma'am Carmona thought it would be best that we absorb him because he would have a difficult time meeting with his groupmates since he really made a "major" jump from Fleming to Avo.. Speaking of research, I think we made some progress regarding our project. One of our species of sponge actually has an anti-bacterial property and I think we have a laboratory that can help us in doing our experimentation. But I'm not really sure..


Last Thursday, we went home at 2pm because the teachers had a faculty meeting. I was pretty shocked when Sir Ian went to our room last Wednesday and gave the announcement. Actually, he didn't really announce it literally but he gave us this paper signed by the "new" principal announcing that tomorrow, which is actually Thursday, we are to go home at 2pm. This is actually good. I mean, the principal is quite organized when it comes to meetings and stuff. I hope he continues this until his term ends.


At last, Friday came. We were all excited to go home early because all of us had plans. So, I went home early. Everything was going smoothly until a stupid, red pick up splashed mud all over me. Yuck! Well, good thing was I was holding my bag and it was the one which really got wet. And so, I continued walking. When I was in front of our house, I tried to get my cellphone in my bag. But due to my carelessness, it slipped from my grip and fell to the ground. Now talk about bad luck, eh?


Yesterday, my friends and I watched The Omen. It was nice. The boy really looked... Freaky. And the effects were really awesome. Harhar!


*Oh yeah. I'm sorry if my grammar is not that good. I'm actually not that good in writing and speaking in straight English. But... I dunno why I wrote this entry in English.*

Sunday, June 04, 2006

last day

pasukan na bukas!

hehe. ansaya..makikita ko na ulet mga classmates ko. miss ko naren yung mga un..pero may nabawas samen eh..pumalit sina munoy, jenny, tsaka si miguel..*haha. di ko pa alam itatawag ko sa kanya eh. kea ayun nalang muna.*
pero ayun, ala naman sigurong magbabago sa bonding namin gaya nung thirs year.

ambilis. fourth year na agad kami. kami na talaga yung mga ate at kuya ng school..e dati, kami yung mga "babies" dun. tsk. oh well, ganun talaga. magtatake na kami ng mga entrance tests! hoohoo..good luck naman samin..sabi rin nila masaya pag fourth year kasi ala ng masyadong ginagawa. research nalang daw tsaka mga entrance tests. haha! edi masaya..puro bonding nalang..hahahaha.

kita kits bukas!!

Saturday, June 03, 2006

ang sarap sa bahay.


yan ang masasabi ko..pano ba naman. mula monday, ngayon lang ako napirmi sa bahay..lagi akong sumasama kila mama sa lakad nila. hehe. d ba naman kasi ako loko e noh? sasama sama tas ngayon magrereklamo. tsk. kakabagot din kasi sa bahay. pero pag nasobrahan naman sa gala, nakakamiss rin pag nasa bahay ka lang. namiss ko yung paglalaro ng ps2! haha. ang aking kaadikan. natapos ko na yung resident evil4! so proud. first time kong nakatapos ng game..ang nilalaro ko naman ngayon e yung tony hawks. stig rin yun..nakakatuwa pag nagffreak out yung player mo..binabato bato niya yung board niya o kaya sinisira niya. hehe.



ayun..since matagal akong nawala, ikkwento ko ang nangyari saken mula monday..



*Monday.


nagpasa kami ng upcat form sa school..xempre BeeGees kasama ko (except kei dana at cherry, kasi nakapgpasa na sila.). usapan namin 9 am sa school. kaya lang, bigla akong sinabihan na ako magkakabit ng contacts ng lola ko. so ayun, punta ko sa lola ko. yun pala, hindi natanggal yung contacts niya nung gabi kaya tatanggalin ko pa tas ikakabit ulit. nalate ako sa usapan naming 9am. pero ayus lang sa kanila. lola yun eh. di pwedeng tanggihan. pagdating ko ng school, nakita ko si cheska. may yearbook na kami! saya saya! akala ko kasi hindi na kami magkakaron nun. after 4 years na paghihintay, dumating na siya! haha. tas nakita ko naren barkada ko. kea habang tinitignan nila yung yearbook, nagpasa na ko ng form. pagkatapos nun, sm na kami. manlilibre raw si reg sa yellow cab. kung bakit, hindi ko alam. pero sa katips yellow cab pala, at 5pm pa. so tambay muna kami sa sm.


mga 4 pumunta na kaming katips..tas ayun, nanlibre na si reg. grabee. anlaki nung pizza. di ko naubos yung share ko. pero ansaya saya kasi nakapagchikahan nanaman kami. at siyempre puro pichurs. kasama si ace eh. haha. namiz ko yung ganun. yung bonding namin. mga tripings. saya talaga. buti nalang magpapasukan na. hehe.


*Tuesday


hindi ko na maalala nangyari. pero ang lam ko la ako sa bahay nito.


*Wednesday


sumama ko kay papa sa errands niya. reason: kasi magdedeliver siya sa market market. haha. gusto kong magdrum maniax! kaadik yun. so ayun. xempre kasama na dun ung uutusan niya ko. dianne ganito, dianne ganyan. pero ayus lang. kaya lang, hindi natuloy sa market market. so in short, napagod lang ako.


*Thursday


may meeting kami sa research. putna kaming up nila meme,alyssa at macy. mei braces na si macy! waah. kakakabit lang nung Wednesday kaya hirap siya kumain. 6 months daw yung nakakabit sa ngipin niya.


after dun, sama ulit ako kila papa. ang usapan naman nun, idadaan kaming greenhills bago pumuntang meeting si papa. kaya lang dahil malalate na siya, hindi na kami naidaan at sumama nalang kami sa meeting. 3pm nagstart yung meeting. ang sabi samin sandali lang yun. mga i hour lang siguro. pero guess what? natapos siya 6:30. saya noh? buti nalang may mini library dun na puwedeng tulugan. kaya natulog ako. ng nakaupo. buti nalang hindi ako na stiff neck. hehe.

after, punta kaming megamall para bumili ng shoes. si camille kelangan ng rubbershoes na plain white ako naman black shoes. my gulay. yung una kong tinignan na style, ala ng size ko. so lipat ako ng gibi. yung nagustuhan ko naman dun, 9 ung biggest. at siyempre hindi paren kasya. ang style lng nila na may size 10 e yung parang style nugn shoes ko dati. ung may strap. so yun nalang kinuha namin. grabee. gigantic na paa ko. pahirapan maghanap ng sapatos. sabi nga saken sa mens na raw ako maghanap eh. tsk!


*Friday


sumama nanaman ako kasi pupuntang sm. haha. bibili naman kaming rubbies ni ryan. anlakas ng ulan..nagbrown out pa sa sm kaya mainit. so after makuha ung shoes, alis agad kami. tapos grocery naman..after dun uwi na.



***

ayan ang nangyari sa linggo ko..june 3 naaa! pasukan na sa monday! ang saya! hehe. big night na mamya sa pbb..sino kaya mananalo?

Friday, May 26, 2006

kumusta naman..

kapagod kahapon..grabe. ganito kasi yun..


gumala kami kahapon..ako, te en, ryan, tska si camille. first time kumpleto kaming gumala..napilit namen si ryan sumama. nakakabato kasi dito sa bahay, ala kasi yung isang tv..pinagawa. kaya ayun.

una, tricycle kami. kami ni ryan sa likod ni kuya driver. galing nga e, nagkasya kaming tatlo. hindi rin bumigay yung trike. hoohoo! basta, yun lang ung mejo enjoy na ride namin papuntang sm.

tas lakad kami papuntang mrt station. at dito na nagsimula ang aming adventure, kalokohan, at kung anu ano pa..

una..
xempre bumili kami ng tickets..kea lang, dahil sa kagalingan ko un kami umakyat sa maling side. dun sa mga pauwi na..kagaling naman talaga..nagtataka pa ko bakit alang nakapila..tas, hindi kami pinapansin nung girl..yun pala..hmmph! so lipat kami ng side..lakad nanaman..pagkabili namin ng tickets, antagaaaaal..grabe. dumami na bigla yung mga tao sa sobrang tagal. siguro 2 trains na yung umalis bago kami nakasakay. pero anyways, nakalayas naren naman kami..

pangalawa..
ayan na, cubao station na..bababa na kami..grabe. siksikan kami to da highest level. muntik na nga kaming hindi makalabas eh..nung nakalabas na ko, biglang sabi ni te en, "ui, c ryan?" lingon naman ako bigla.. ala pala xa sa likod ko. nandun pa siya sa loob ng mrt..naipit sa mga tao. haha! katuwa. first time kasi niya eh..

sa gateway kami napadpad..sooobrang init. lahat kami pawis na pawis. so una naming ginawa pagdating dun, nagpapicture na muna ko para sa upcat form ko. tapos tingin kami ng damit ni te en. basang basa kasi yung damit ko kea naisipan kong bumili ng bagong damit. haha! ala naren kasi akong damit..marami na yung maiksi saken. so ayun, bumili akong damit tas nagpalit ako ng shirt. tapos naglunch na kami..

after nun naglaro kami sa timezone..ang saya mag drums!! haha. enjoy..tapos ng exceed din kami ni te en..ang dulas. hindi rin sensitive yung mga sensors kaya kelangan mo talagang apakan ng mabigat yung mga pads.. dapat manonood kami ng sine kaya lang ang haba ng pila..katamad. pagod naren ako..kea ayun, uwi nalang kami.

nagpunta kaming gateway para kumain ng lunch at maglaro..how nice..


huling kalokohan namin..
nung pauwi na kami, ang haba ng pila..sooobra. kala nga namin ni te en pila yun ng lrt..mrt pala..kea..nag taxi kami..haha. tinamad pumila amfufu..

matiwasay naman kaming nakauwi ng bahay..pagod lang tsaka sobrang pawis..

kaya after siguro ng 1 1/2 hour ng pagpapahinga,naligo ako ulit..nagdadalawang isip pa nga ko kung maliligo ako kasi parang pagod yung katawan ko. kea lang, yaki naman kung matutulog akong ganun..sobrang lagkit. kea naligo naren ako. pero nung mga 8 na ata, biglang sumakit yung tuhod ko! waaah..parang rayuma na ewan..nalamigan ata. haha. pasaway kasi ako..pero nawala narin naman eh..

enjoy naren yung gala namin..kahit na ala kami maxadong ginawa..at least nakagala..hehe.

Wednesday, May 24, 2006

one week.


whew! pagkatapos ng isang linggong hindi paghawak ng computer e nakagamit naren ako sa wakas. natripan ko kasing hindi gumamit ng isang linggo, la lang. try ko lang. so ayun, kinaya ko naman kahit papano. kea lang hindi ako nakakapagpost dito. kea ngayon, mejo marami ata akong masasabi..

***
nakapgdrive na ako!!

hehe. saya! pero atras abante lang dito sa mei subdivision namen. pero at least natry ko na magdrive ng manual. hehe. masaya siya..tsaka mas challenging kesa sa automatic..

***
tapos..ah ayun. yung sa brigada..so tumulong ako sa paglilinis kahit na ang chinekan ni mama e yung magdodonate lng ng cleaning materials. pero ayus naren. hehe. room naman namen yung nilinis namen eh. katuwa yung araw na to. una. nung nakapila kami para dun sa donation ekek. e may magiinterview..yung nauna saken tumanggi..pero ako xempre ndi! haha. after ko siguro magsign e dun ako iinterviewhin. kaya lang natagalan ata ako sa pagsusulat kea ayun, iba nalang yung ininterview. *sigh* hehe. di bale, ayus lang.

after nun, linis linis..si maam osorio nga pala adviser namen. tas ang rum namen ay sa fourth floor na. hindi na dun sa dati. tsk. mahaba habang akyatan din yun araw araw. bawal na ang mga trips sa canteen habang ala pa ang teacher. tsk.

so anyways. naglinis kami. namili naren kami ng mga lockers at chairs. pero fil ko hindi rin kami mauupo dun sa kinuha nameng chairs. bahala nalng sa pasukan.

after nun, mga 12 siguro, napag isip isip naming kumain na. dahil hindi paren kami nagbbreakfst ni meme..kaya gutom na gutom na kami. tsk. edi sugod kami sa tokyo tokyo sa main..tapos, pagsubo ko nung kanin nila sabi ko,
"bakit parang ang tigas nung kanin?" sabi rin nila matigas nga daw. pero pabayaan nalang kasi gutom na sila..papayag ba naman ako nun? xempre ndi. kaya nireklamo ko..ayun, pinalitan nila..edi ayus. masarap ang kainan namin. hehe.

niloloko pa nga nila ko eh. ang warfreak ko daw. gaya nalang daw nung guard dati na ayaw kami papasukin kahit past 5 na. e kasi naman, unang una, binayaran mo yung food. kaya dapat masarap yun. tama naman db? tas yung sa guard naman, bastos siya. e ako nakaharap niya. ayun, nireklamo ko rin. haha!

***
sabi nga sakin ng tatay ko, habang tumatanda daw ako kumukulit na ren ako. dati kasi hindi ako ganun. yung nagrereklamo sa ganung bagay bagay. usually, mananahimik nalang ako. pero ewan. pumapalag ako eh. harhar! tas yung mga saleslady kunwari..bigla ko nalang kukulitin..pati yung bilihan ng dirty ice cream dun sa supersale..yung kei mang tomas. kinulit ko naren yun. ayus nga xa eh. nakikisakay lang. hehe.

***
natapos ko naren yung "five people you meet in heaven" ni mitch albom. heavy. ang ganda ng mga libro nun. kahit na dalawa palang nababasa ko. tungkol kasi sa mga lessons sa buhay eh..kea masaya.

***
birthday kahapon ng kapatid ko. si camille. kaya kumain kami sa labas. dapat sa saisaki kaya lang reserved yung buong place. *nakanang..* kaya bumagsak kami sa tia marias. masarap din naman dun..mexican food. anlaki nung serving nila. hindi ko naubos yung burritos ko. pero xempre si camille,oo. tumba ang burritos sakanya. ganun kasi mga trip niang pagkain eh. ako hindi. hehe. mas trip ko sandwich at salad..pati pizza or pasta.

***

ngayon naman ay dapat magpapasa kaming bgs ng upcat form at gagala. kaya lang, dahil ala daw si mam monteclaro ngayon at sa friday pa siya papasok e sa friday nalang rin kami magpapasa. kaya ngayon, bahay nanaman ako. hindi ko alam gagawin ko ngayon. sana makapagaral ako. *amf*

may course naren ako! ansaya. manila-diliman ang campus ko. tas sa course naman, nursing-BIOCHEM (?!) tsaka mbb-psych. lupet. pero trip ko yung mga yan. kahit na dati hindi ko maisip na yan ang kukunin ko.

sana matuloy yung gala bukas..

pati yung sa friday. after magpass ng upcat..gateway daw kami sabi ni meme. hehe. adbentyur nanaman ito! so happy.

ito yung ibang pics sa bday ni camille..

Saturday, May 06, 2006

hell yeah!

saya!

nagsimula na talaga ngayon ang bakasyon ko..tapos na ang review eh. saya saya nung review na yun. lakas naming mang FC ng tao. well..kami pa! harhar. so ayun. 42 ata kami sa class. dame noh? mas marami pa kesa sa isng class sa kisay. hindi kami lahat e taga kisay..mei 4 na galing sa ibang skul. isa na dun yung pinsan ko na kapatid ni te en. beboy nickname nia..pero mark nicklaus talaga totoo niang pangalan. hehe. tsaka may ksama rin xang klasmeyt nia,c timothy sam. taga pisay sila..sosyal db? tas si tin din kasama yung insan nia, c ej. tas pati c jeffrey, pinsan rin ata nia yung kasama nia. kim ang pangalan.

kinulit kulit namen si beboy, timo, at si ej..pero c kim ndi. anlayo kasi nia samen eh..tsaka mukhang tahimik. baka mapasama pa pag nilapitan namen. harharhar!

edi aun. claret ang venue namin, 8 am to 5 pm.

***

nung isang araw naman. haha! nagdrive akoooo! hehe. ang saya saya! kukunin kasi namin yung uniform ni camille sa SHS. pagkababa ni camille tsaka ni mama, sbi ko kei papa.

"Pa, drive ko tong kotse."


tas pumayag! haha. naka tatlong ikot ako sa parking ng holy. saya! pero xempre madali lang idrive un kasi automatic. stop and go lang. hehe. pero d bale, at least nagimprove ako. kasi dati, nung una kong dinrive un, talagang susubsob ka sa may windshield pag ngbbrake ako. hehe. excited na ko. gusto ko nareng magdrive!

***

malapit ko nareng matapos yung RE4. haha..

***

ngayon, may lakad kami ni te en. punta kaming st francis..haha. andami naming planong bilhin..sana may mabili talaga kami.


antagal niyang gumising..tulog pren hanggang ngayon. tsk.


Saturday, April 08, 2006

hay.

malapit na mag-isang linggo after ng last day..ala preng nangyayaring bago sa buhay ko..


nakakatamad na nga eh..ndi na ko sanay ng walang ginagawa..


ay teka, may bago pala..


may clan na ang avotres na mahilig magtext..GMers pangalan..grabe. alangsawa talaga sa pagtetext mga tao dito. ewan ko. hindi ata ako kasali dito..ang hirap kasi magcend sa maraming maraming tao..pero nakakatanggap ako ng mga messages nila. kaya informed rin ako kahit papano sa mga pinagkkwentuhan nila. may plano rin silang mag star city at magpapic sa 17. yung star city di ko lam qng tuloy talaga sa 20..ayun.


sa monday start na ng review sa expert..ala lng. mei magagawa naren khit papano..


***

haay..

bakit ba feel ko napakalungkot ko ngayon..? kahit na hindi naman. kasi ala namang rison para malungkot..siguro dala lang ng walang magawa sa bahay. o mei isa pang rison..ewan ko.

parang ang gulo..gulo ng utak ko. feel ko may napapabayaan na kong bagay..gusto ko siyang ayusin pero hindi ko alam kung pano..


ang hirap iexplain..


sana may magawa na ko..para may iba naman akong maisip..

Friday, March 31, 2006

.

grabe tong linggong to..clearance week na namen..

nung monday, defense pa sa research..grabe..di ko alam kung bakit pero mejo kinabahan ako kasi bago nga yung topic namen..edi xempre ndi ko pa maxadong alam yun..dapat after lunch pa kme mgddefend..kea lang, ambilis ata magtanong nung mga evaluators kaya yun..umabot kami bago maglunch..aus naman yung pagdedefend..xempre mei tiwala kame kay alyssa na kayang kaya niyang magdefend..ayun..mejo narelax kaming lahat..pero..nung kami na yung susunod na group na mgppresent, ayaw gumana nung presentation namen! ndi pala pwede ang nakadiskette na presentation..buti nlng mei dalang flashdrive c melai..*salamt melai! aylabshoo..* kea nakilipat muna kami..so ayun..mejo matagal..actually ndi..matagal kaming nagpresent..andami kasing tinanong at sinabi nung lalaking look a like ni sir sangel eh..pero wala namn xang sinabing mali sa proposal o qng ano..sa title lang daw problema namen..isama daw namen ung mkikitang bacteria ata sa sponge..ai wait! speaking of sponge..lam nio ba na yung buong researh group namin ay may pin na spongebob? haha..sponge kasi topic namen eh..la lang..sharing..

so ayun..natapos xa..at nakahinga kaming lahat..

tuesday to thursday..

clearance days na talaga..ayus naman..wala maxadong naging problema..ang ndi nalang nakakapirma e si sir ian at si sir bocato..grabecious..ang sabi nila, thursday nila pipirmahan ang clearance..so kami required pumasok..sabi nila 3 pm p daw sila pipirma..kea sm muna kme..tas nung pgblik nmen, sbi nila sa monday nlng daw sila pipirma! grabe. badtrip..dapat pla di nlng kami umalis ng sm nun..tsk. pero aus nren..haha! ang saya nung thursday..

FRIDAY!

hahaha! lumabas ang BGs..saya saya..bonding nanaman kami..12.10 pa ung cne kaya naglaro muna kmi..hehe. tinry nmen yung exceed..grabe. kapawis yun..cnpon nga ako dahil dun..pero masaya xa..ung tipong 4 na kami sa isang dance pad kasi maxadong mabilis yung napiling kanta..tas talon nlng kami ng talon..haha. saya talaga. aun. tas mga 11.45 na kami natapos..so mga 30 mins nlng natitirang tym para kumain..kea minarathon nlng nmen yung fud..nagpapak ng ulam..tas cne na! pinanood nmen ung "just friends"..aus nmn yung movie..pero ndi ko xa ganun katrip..masaya lang kasi kami lang halos yung tao sa sinehan..haha! pero xmpre mei mga tao tao pren..na..ayun..sa mga sulok ng sinehan..haha! tas after, nagpichur pichur kami..dun lng kme sa island photo kasi andaming tao sa kameraworld..patawa talaga yung photographer..actually hindi ata xa talaga yung photographer e..wateber. basta nakuhaan nia kami ng pichur..aus na..yun na ang una at kahuli hulihang pichur namen dun. PRAMIS. tapos..baba kami ng fudcort..ala lng..tambay2 lang..hanggang sa maguwian..saya!

Saturday, March 25, 2006

ultraelectro!

sa wakas! tapos na talaga lahat..tapos na yung presentation namen sa pinoy kahapon..defense nalang next week..keri na un! haha..grabe..ang saya saya talaga kahapon..i mean, nung buong week na to..grabe..una kasi last week na yun ng maraming marami ang gagawin..pangalawa, tapos na yung perio..deadlines na ng mga projects..tapos..TAPOS NA! tas isa pa..grabe..wala pa kong bagsak na perio! saya naman talga..pero sa math inaasahan ko ng bagsak talaga ko dun..tsk. kasi naman, ngpagamit nga ng calcu..e napakahaba naman ng test..grrr..neweis, tpos na yun..

ayan, tungkol sa presentation namen sa pinoy..ang saya saya talga! grabe..enjoy kaming lahat..tawa ng tawa mga tao..kasi naman, patawa talaga sila rico, wilson, at reuveal..ang galing galing nila magimpersonate..ever.! hindi ko ineexpect yung mga ginawa nila dun..kaya soooobrang saya talaga..tas grabe..ang galing pa sumayaw ni rico at wilson..well, lahat naman magaling sumayaw e. pero sila yung talgang nagdala..ang wafu ni rico nun. at siyempre..kaming mga Dont Ya girls..haha..ang sexy naming lahat..kagulat din si meme! ndi ko akalaing masasayaw at magagawa niya yung ginawa nia..tsk. ndi na siya bata! wahahaha..aun..at ang pangalan nga pala ng variety show namen..

ULTRAELECTROMcDORISJAM..!!
haha..stig db?

Wednesday, March 22, 2006

perio!

yehey!!

last day na ng perio kanina..kay saya..at in fairness..ung mga test knina e nakarir ko..grabe..ang saya nitong araw na to..siguro kasi andami kong nagawa..

xempre una, tapos na yung perio..at masaya ko kasi pasado ko nga chem! ever..tas yung pinoy..mejo nakawindang yung first page..pero yung iba e keri naman..tas research madali dali naman..so relaxed na kami..pero ako nde..xe masama pakiramdam ko..cpon..ubo..sakit ng ulo..nagsabay sabay kanina..galing nga nakapgconcentrate pa ko sa exam..aun..kea mejo mainit ako mula kanina hanggang ngayon..after ng exam..relax na..PERO..biglang nagannounce na lahat daw e magddefend na..so maygali! nagpanic naman kame..kasi kami ung unang batch na magdedefend mamya..ndi naman sa wala kming alam sa research namen kea lang, ndi kame kondisyon na magdefend kanina..kea habang ngttest ng research..qng ano2 na naiicp ko tungkol sa defense..

so ayun..defense na..mejo kumalma na ko nung nagsimula na magdefend si alyssa..tas lalo akong nakampante nung sinabi niyang nagustuhan ata ni mam yung topic na bago..so ayun..kering keri ang pagdedefend..ever. after magdefend e soooooobrang saya kooo!! sa wakas..natapos naren..ala ng projects o qng ano man..ansaya!

ndi ako nakapagpraktis ng matino kanina para sa tinoli kasi masama nga pakiramdam ko..kaya mejo nakikitawa nlng ako..nakaupo..onting saya..upo ulet..ganun..tas nagmit nlng kame sa mcdo para magusap sa set, costumes, etc..mei pangalan na yung show namin! saya saya..grabe..noh?! haha..ayun..

ansaya talaga ng feeling..relaxed na relaxed na..

SAYA!

Thursday, March 09, 2006

march 9 na ngayoooon!! haha..saya saya..nga pala.

Advanced Happy Birthday kay Meme!!

hahaha..grabe. nakapasaya nitong mga araw na to. kahit na araw araw e gumagawa at nagppresent kme ng mga projects namen..aus lang! keri naman eh..

march 7..*ata*
ayun, les mis na..grabe..5 am ang call time namen..kea lang ndi ako nkpunta ng ganun kaaga kasi ala c papa..kea sabay nlng ako ng serbis..pgdting ko, nsa court pala cla ngppraktis..aun, inayos muna ung blocking..tas balik na ng rum para aucn ung boses..mga 7.30 bihis na kameng lahat..konting ayos ayos nlng ng mga buhok, tska mga props at make up..tas nung quarter to 8 na, aun. ngcmula na kming mag praktis ng blending ng boses..grabe..sabog xa..as in! ayaw talagng maghalo ng mga boses namen..e dalawa pa nmn yung part na kelangan kumanta kmeng lahat..una, ung overlapping part..sa sobrang pangit, napagdesisyunang major characters nalang ang kakanta dun. kme actions nalang..edi mejo relax na..isa nlng problema nmen..ung ending..e nung tym na un, pinapapunta na kme ng court..edi xmpre mga tips nlng sinasabi smen..ala n kcng tym mgpraktis..tas court na..unang-una kmeng ngpunta sa court..dun n kme nglgay ng uling sa mukha at tuluyang ngpakadugyot..harhar..aun, 2nd kmeng ngpresent..grabe! ang saya saya talaga..xe nung presentation na, grabe. gumanda xa! ang ganda daw nung boses namen..lalo na yung ending na hindi namn mkuha kuha nung una e nakuha rin namen sa wakas..waahh! pati intro namen sosyal!! hahaha..ayun..maganda rin yung sa darwin..sosyalin ang mga costumes nila..halatang pinagkagastusan..basta..maganda ung kanila..tas after ng mgpresent ng lahat, nagchismis chismis na n 1st ang dar, 2nd kme, tas 3rd bec..edi ayun..aus lng..tas nung ngllunch na kme, sabi nung iba kme na raw yung first..edi gulat naman ako..kaay hinintay ko nlng ung oficial announcemnt..at aun! first nga kame!! wohohoho...grabe. at ang comment pa nung kung sino mang babaeng nagddub na un..

"the moment they set foot on the stage, they got me.."

waaah!! sosyal ever..at unanimous decision pa raw yun..waah tlga..thank you Lord!

******
kanina naman..wahah..tapos naren ako magmonologue sa english! ang saya saya!! hahaha..grabe..katuwa..first time, nasabihan akong ang galing ko daw magmonologue! waaah..ansaya! c melai nagsbi nun..edi ako nmn mejo di pa naniniwala..pero after nmn mgpresent lhat, ngcomment si sir mark..at wowness! nabanggit ako..whahah..sbi nia..

"..like larz..shes good.."

aus na sana eh..qng hnggang dun lng..kya lng..

"..its too short..i thought it was just 10 seconds.."

amf! haha..pero neweis..masaya na ko at napuri ako ng mga tao..hahaha..saya..first time talaga..

bukas naman pinoy..dapat magpresent na ko sa tula ewan..para next week, research nlng..haha..tpos nren pala kameng magrap! kahiya rin yun..haha..ayon kai melai..

"lariela, ndi ko akalaing magagawa mo yung ginawa mo kanina.."

Friday, March 03, 2006

projects.

oh yeah. friday na..at next week, puro projects na ang haharapin namen..hmpf! pero di bale, kering keri yan..kme pa! haha..

grabe..ang gulo kahapon..ang daming nangyaring kakaiba..as in weird..una ung kei melai..grabe..kaya pala kakaiba na yung feeling naming lahat nung ala pa xa ng mga 7.30..waah! tapos..tapos..aun! waah..basta, sa susunod wag magpapaloko..pumalag ka pag ganun..haaaay..

sunod naman yung kei anna.. haay..no comment nalang dito..hindi ko rin kasi alam yung rison pero alam kong mei gumugulo sa kanya..haaay anna..kung binabasa mo to..eto message ko para sayo..wag kang bibigay..kaya mo yan.. alam mo namang andito lang ang beegees para sayo..sabihin mo lang pag ndi mo na kaya, tulungan ka namen.. hati hati tayo sa bigat niyang dinadala mo.. nde ka namen iiwan..tutulungan ka nameng..bumalik sa dati..basta wag kang makakalimot kei God..pray ka lang palagi..pakikinggan ka Niya..ayt? labshooooo..

whaah! ayun..ngayon naman, buti nlang hapon pa achievement test namen..harhar. pero magmimit kami sa mcdo mamya..para magaral! whoah! GC na talaga ever..haha..o cge, gwin ko na muna iba pang projects. .

Saturday, February 25, 2006

prom!!

ANG SAYA SAYA SAYA SAYA KAGABIIII!!!

grabe..super! ang saya ng prom..hehe..kwento ko muna..

aun, mga 3 na yata ako nakapuntang salon..mejo late na..at naiisip ko naren na malalate nga ako..sanay naren naman eh..so aun, inuna ung hair ko..hindi ko pa talaga alam ang gusto ko kaya sabi ko kei mama, xa nalang bahala sa buhok ko..kung ano gusto nia..pero sabi ko, ayoko ng kulot..maxado kasing iiksi..pero aun, xa nakipag-usap kaya kinulot ako..so ako naman..cge payn..kaw mei gusto eh..edi aun, cnmulan nren ung kamay ko..wahahaha! french tip ako!! haha..kabakla..ala lng..antgal ko ring nagtiis na wa g gupitan kuko ko para lang sa prom na to..para lang mkapag-french tip ako! whaha..aun..pero ung paa q, colorless lang..pero mei nilagay yung babaeng kung anong design..napancn ko lang xa nung nkasakay na ko sa kotse..harharhar..next, make up..ang kyut nung make up..ala lng..bagay na bagay xa dun sa color ng gown ko..haha..tapos buhok ko ulit..kinulot ulit kasi unat pren xa..sa aun, after 2 hours ng paghihint ay..nakita ko nren ang sarili ko..grabee!! nagulat ako sa buhok ko! ang kuloooooot niya! nung una ayoko talaga..as in! mejo naasar pa ko kei mama nun pero aus nren..xe nung sinuot ko na ung gown at ung bag at nakacontacts na ko and everything..ang ganda pala..grabe..oo na, conceited na kung conceited pero nagandahan talaga ko sa sarili ko..EVER. im so proud..haha..

pagdating ko ng celeb, nakapila na silang lahat..sabi na nga ba malalate ako..pero at least, hindi pa ngccmulang magmarcha..edi aun, cnmahan ako ni zid magparegister tas punta na ko sa pila namen..at grabe..pati sila nagulat saken..haha..perst tym kasi, kulot ang hair ko..hehe..at proud nnaman ako..sabi ni melai, "larz, ang ganda mo..grabe. natitibo ako sau ngayon!" haha..tas sabi ni meme, "lariela, ikaw ba yan? ang girlie mo ngayon!!" waaaaah..syakness..haba ng hair ko..kapartner namen ni melai si paul..haha..c bibs..aun..

ayan..mismong program na..nanominate c meme as CINDERELLA!! waah..hehe..xempre beegees full support!! sigaw kme ng sigaw ng "go meme" o kaya "meme meme!!" haha..ingay ingay namen..tapos sayawan na!! grabe..sayaw kung sayaw talaga kame kagabi..parang pag nkita mo kme, matatanong mo.."ui, kaw ba yan?" c anna nagwawala na talga..ngtanggalan na ng mga sapatos klasm8s ko..lahat talaga nag-enjoy.. bawal ang malungkot..hahaha..

first dance ko si marvi! haha..ala lng..xa kasi una kong nakita e..kaya hinatak ko nlng xa..tapos puro pichur na..at todo todong sayawan..nagpapichur kame ni zid! haha..ala lng..tas aun..mei mga malulungkot at mga qng ano pang nangyari, kaya lng mas mabuting wag nlng ikwento..

waaah..ansaya saya talaga kagabi..EVER! kala ko di ko na siya makakasayaw..pero ndi! waaah.. nagsayaw paren kme..hahaha..ansaya talaga..db jervie? haha..grabe..nakumpleto niya gabi ko..wenk!

maraming maraming salamat sa inyo!! sa avo tres at sa mga ibang taong kumupleto ng gabi ko..grabe..ansaya saya ko talga kagabi..na-enjoy ko ang prom dahil sa inyo..salamat talaga..ailabshoooo!!

Sunday, February 12, 2006

eloooooow!!

im back! ngayon lang ako nakabili ulit ng net card at sinipag mag-update..pasensya na..hehe..

ayan..CONGRATS KAY KAN!!
galing-galing..national champion xa sa chem..astig db?? haha..kapatid ko yan..*proud!!*

andaming contest ngayon..kea madalas e ala ang LSAT sa room..last week, ansaya saya! lagi kameng alang klase.. minsan nga after ng english uwian na namin eh.. cguro mga 9 o 10 ata un..aga noh? saya saya..pero bukas, balik na ulit sa dati..andami nnamang gagawin..puro PROJECTS! whah! magmmonologue kami sa english!! WHAH! monologue nnaman..shemay..acting skills..EVER. sna makaya ko to..haha..tas mag-rrap din kme sa pinoy..pero xmpre magging kanta na un, kasi ndi ko keri ang pagrrap ..hmm..ano pa ba..malapit na prom!! saya! excited na ko..hahaha..ansaya ng mangyayari AFTER ng prom..dun ako mas excited..hehe..beegees bonding nanaman..

tama na sa mga masasayang bagay..mga mejo malungkot naman..

hindi rin puro saya ung naramdaman ko last week..xempre mei asar din dun..kasi..ung mga tao sa paligid ko..nagbabago na..yung mga dating akala ko kilalang kilala ko e biglang ngbabago..ang msama pa, e parang nagbabago xa pero hindi maganda ung dating sa iba..lam nio un? ewan ko kung ako lang ang nakakafeel nun pero..ganun talaga..mei nangyari lang na isang bagay, naging ganun na sila.. ung ugali nung isa kong kakilala , tanggap ko na..at mejo sanay naren ako..hindi ko na lang masyadong pinapansin..pero yung isa ngayon..parang lahat ng kilos nia nakikitaan ko ng pangit o masamang meaning..feel ko tuloy ang sama-sama ko na..pero..hindi lang naman ako nakakaramdam nun..pati yung iba kong mga kaibigan..waah..hindi ko na alam..kung ako ba ang mei problema..o xa..basta..ayoko naman ng away..pero..ewan ko..ang gulo..

Monday, January 16, 2006

ian..

waah..sixteen na ngayon..birthday ni sassa..kaya happy birthday sa kanya..

sa totoo lang, amboring ng araw na to..hindi ko alam kung bakit pero ewan..para talagang mei kulang..lam mo ung feeling na bawat minutong lumilipas e tingin kame ng tingin sa orasan sa room? ung parang ayaw mo pang lumipas yung oras..kasi alam mo, any moment..mawawala na yung isang taong importante sa buhay mo..

haaay..kaninang 9 ng umaga ung flight ni ian papuntang america..grabe..umaga palang ang tamalay na ng mga tao..xempre hindi lang maxadong halatang matamlay kami kasi pangit naman pag sobrang lungkot mo..pero kahit na nakangiti kaming lahat at tumatawa, alam kong bawat isa samen e nalulungkot..

nung nasa service ako, mga 6.15 o 6.20 ata un nagtext na ko kei ian..tas pagdating ko ng skul, tinignan ko ung fone ko..ala pa ring reply..tas nung flag cem na, nagtext na xa samen..yep, sameng lahat..eto ung text nia..

salamat ah sa lahat.. mag-iingat din kau jan..at ska magpakatino kayo dyan..sory sa mga kasalanan ko ah..di ko kayo makakalimutan..love u all..

waah! grabe..paiyak na talaga ko nun.. kaya lang kahiya naman..pag dun ako umiyak..tsaka tama na ung isang beses na pag-iyak..*yah..iniyakan ko xa nung nag-farewell forum kami para sa kanya nung friday..at xa ang kauna-unahang taong nakapag paiyak saken sa skul..* after ng flag cem, habang nag-aannounce cla poli..sinubukan nameng tawagan si ian..kea lang, hindi nia sinasagot..kaya payn..tawag paren kame hanggat di nia sinasagot..pag dating namen ng room, aun..nakatwag naren sa wakas..una niang naka-usap si melai..kasi xempre, fone ni melai ang gamit..grabe..paulit-ulit lang sinasabi namen sa kanya..ian, ingat ka jan ah..wag mo kaming kakalimutan..labyuu..aun..puro ganun lang.. kea lang, binaba na nia ung fone sabi rn nia wag n kmeng tumawag kasi magchcheck in na sila..

so un na..ang kahuli-hulihang tym na makaka-usap namen siya bago siya umalis..

haaaay..grabe..nakakalungkot talaga..ngayon lng kasi mangyayari sken to..ung mei aalis na kabarkada..hindi ko nga akalaing iiyakan ko xa eh..pero ewan..nung nasabi niang , mahal ko kayong lahat..nde ko na talaga napigilan..lahat kame umiyak na..kahit lalaki..umiyak nren..

tsk. kaya lang, ala namang magagawa..ganun talaga ang buhay..haay..

ian..

Tuesday, January 03, 2006

tapos na ang bakasyon..pasukan na ulet bukas..

HAHA!!

d bale, masaya naman eh..sandali nalang e matatapos na rin ang terd yir..mag-pport yir naren kame! yahooo!! haha..onting onti nalang, kme na ang pinakamatatanda sa skul..pwede na kmeng mang-away..*hehe..jowk lang..*

haay..tests, homeworks..at ang walang kamatayang mga projects..tsk. magsisimula nanaman ang buhay namen bukas..andami palang projects na dapat gawin..nagsabay-sabay pa..ang mahirap pa, e kung hindi group project, class project naman..kaya kelangang magmeet..ala pa nga kameng nagagawa para sa pinoy namen eh..hehehe.. ung kabilang grup nakapgmit na sila..kame nde pa..kahit isang beses..alang ala pa talaga! haha..tas meron pa ung grup work sa pinoy..radio drama ako..at live radio drama pa ang gusto..tsk. ala pren kameng nagagawa.. haha.. bahala na.. siguradong magkakasabay sabay lahat to sa sabado..ai! mei english pa pala.. aun..andami..pero masaya rin to!! haha..