Monday, January 16, 2006

ian..

waah..sixteen na ngayon..birthday ni sassa..kaya happy birthday sa kanya..

sa totoo lang, amboring ng araw na to..hindi ko alam kung bakit pero ewan..para talagang mei kulang..lam mo ung feeling na bawat minutong lumilipas e tingin kame ng tingin sa orasan sa room? ung parang ayaw mo pang lumipas yung oras..kasi alam mo, any moment..mawawala na yung isang taong importante sa buhay mo..

haaay..kaninang 9 ng umaga ung flight ni ian papuntang america..grabe..umaga palang ang tamalay na ng mga tao..xempre hindi lang maxadong halatang matamlay kami kasi pangit naman pag sobrang lungkot mo..pero kahit na nakangiti kaming lahat at tumatawa, alam kong bawat isa samen e nalulungkot..

nung nasa service ako, mga 6.15 o 6.20 ata un nagtext na ko kei ian..tas pagdating ko ng skul, tinignan ko ung fone ko..ala pa ring reply..tas nung flag cem na, nagtext na xa samen..yep, sameng lahat..eto ung text nia..

salamat ah sa lahat.. mag-iingat din kau jan..at ska magpakatino kayo dyan..sory sa mga kasalanan ko ah..di ko kayo makakalimutan..love u all..

waah! grabe..paiyak na talaga ko nun.. kaya lang kahiya naman..pag dun ako umiyak..tsaka tama na ung isang beses na pag-iyak..*yah..iniyakan ko xa nung nag-farewell forum kami para sa kanya nung friday..at xa ang kauna-unahang taong nakapag paiyak saken sa skul..* after ng flag cem, habang nag-aannounce cla poli..sinubukan nameng tawagan si ian..kea lang, hindi nia sinasagot..kaya payn..tawag paren kame hanggat di nia sinasagot..pag dating namen ng room, aun..nakatwag naren sa wakas..una niang naka-usap si melai..kasi xempre, fone ni melai ang gamit..grabe..paulit-ulit lang sinasabi namen sa kanya..ian, ingat ka jan ah..wag mo kaming kakalimutan..labyuu..aun..puro ganun lang.. kea lang, binaba na nia ung fone sabi rn nia wag n kmeng tumawag kasi magchcheck in na sila..

so un na..ang kahuli-hulihang tym na makaka-usap namen siya bago siya umalis..

haaaay..grabe..nakakalungkot talaga..ngayon lng kasi mangyayari sken to..ung mei aalis na kabarkada..hindi ko nga akalaing iiyakan ko xa eh..pero ewan..nung nasabi niang , mahal ko kayong lahat..nde ko na talaga napigilan..lahat kame umiyak na..kahit lalaki..umiyak nren..

tsk. kaya lang, ala namang magagawa..ganun talaga ang buhay..haay..

No comments: