but everythingmeans nothing.
|

Saturday, June 03, 2006
ang sarap sa bahay.
yan ang masasabi ko..pano ba naman. mula monday, ngayon lang ako napirmi sa bahay..lagi akong sumasama kila mama sa lakad nila. hehe. d ba naman kasi ako loko e noh? sasama sama tas ngayon magrereklamo. tsk. kakabagot din kasi sa bahay. pero pag nasobrahan naman sa gala, nakakamiss rin pag nasa bahay ka lang. namiss ko yung paglalaro ng ps2! haha. ang aking kaadikan. natapos ko na yung resident evil4! so proud. first time kong nakatapos ng game..ang nilalaro ko naman ngayon e yung tony hawks. stig rin yun..nakakatuwa pag nagffreak out yung player mo..binabato bato niya yung board niya o kaya sinisira niya. hehe.
ayun..since matagal akong nawala, ikkwento ko ang nangyari saken mula monday..
*Monday.
nagpasa kami ng upcat form sa school..xempre BeeGees kasama ko (except kei dana at cherry, kasi nakapgpasa na sila.). usapan namin 9 am sa school. kaya lang, bigla akong sinabihan na ako magkakabit ng contacts ng lola ko. so ayun, punta ko sa lola ko. yun pala, hindi natanggal yung contacts niya nung gabi kaya tatanggalin ko pa tas ikakabit ulit. nalate ako sa usapan naming 9am. pero ayus lang sa kanila. lola yun eh. di pwedeng tanggihan. pagdating ko ng school, nakita ko si cheska. may yearbook na kami! saya saya! akala ko kasi hindi na kami magkakaron nun. after 4 years na paghihintay, dumating na siya! haha. tas nakita ko naren barkada ko. kea habang tinitignan nila yung yearbook, nagpasa na ko ng form. pagkatapos nun, sm na kami. manlilibre raw si reg sa yellow cab. kung bakit, hindi ko alam. pero sa katips yellow cab pala, at 5pm pa. so tambay muna kami sa sm.
mga 4 pumunta na kaming katips..tas ayun, nanlibre na si reg. grabee. anlaki nung pizza. di ko naubos yung share ko. pero ansaya saya kasi nakapagchikahan nanaman kami. at siyempre puro pichurs. kasama si ace eh. haha. namiz ko yung ganun. yung bonding namin. mga tripings. saya talaga. buti nalang magpapasukan na. hehe.
*Tuesday
hindi ko na maalala nangyari. pero ang lam ko la ako sa bahay nito.
*Wednesday
sumama ko kay papa sa errands niya. reason: kasi magdedeliver siya sa market market. haha. gusto kong magdrum maniax! kaadik yun. so ayun. xempre kasama na dun ung uutusan niya ko. dianne ganito, dianne ganyan. pero ayus lang. kaya lang, hindi natuloy sa market market. so in short, napagod lang ako.
*Thursday
may meeting kami sa research. putna kaming up nila meme,alyssa at macy. mei braces na si macy! waah. kakakabit lang nung Wednesday kaya hirap siya kumain. 6 months daw yung nakakabit sa ngipin niya.
after dun, sama ulit ako kila papa. ang usapan naman nun, idadaan kaming greenhills bago pumuntang meeting si papa. kaya lang dahil malalate na siya, hindi na kami naidaan at sumama nalang kami sa meeting. 3pm nagstart yung meeting. ang sabi samin sandali lang yun. mga i hour lang siguro. pero guess what? natapos siya 6:30. saya noh? buti nalang may mini library dun na puwedeng tulugan. kaya natulog ako. ng nakaupo. buti nalang hindi ako na stiff neck. hehe.
after, punta kaming megamall para bumili ng shoes. si camille kelangan ng rubbershoes na plain white ako naman black shoes. my gulay. yung una kong tinignan na style, ala ng size ko. so lipat ako ng gibi. yung nagustuhan ko naman dun, 9 ung biggest. at siyempre hindi paren kasya. ang style lng nila na may size 10 e yung parang style nugn shoes ko dati. ung may strap. so yun nalang kinuha namin. grabee. gigantic na paa ko. pahirapan maghanap ng sapatos. sabi nga saken sa mens na raw ako maghanap eh. tsk!
*Friday
sumama nanaman ako kasi pupuntang sm. haha. bibili naman kaming rubbies ni ryan. anlakas ng ulan..nagbrown out pa sa sm kaya mainit. so after makuha ung shoes, alis agad kami. tapos grocery naman..after dun uwi na.
***
ayan ang nangyari sa linggo ko..june 3 naaa! pasukan na sa monday! ang saya! hehe. big night na mamya sa pbb..sino kaya mananalo?
if i ain't got you|10:11 AM
