Friday, May 26, 2006

kumusta naman..

kapagod kahapon..grabe. ganito kasi yun..


gumala kami kahapon..ako, te en, ryan, tska si camille. first time kumpleto kaming gumala..napilit namen si ryan sumama. nakakabato kasi dito sa bahay, ala kasi yung isang tv..pinagawa. kaya ayun.

una, tricycle kami. kami ni ryan sa likod ni kuya driver. galing nga e, nagkasya kaming tatlo. hindi rin bumigay yung trike. hoohoo! basta, yun lang ung mejo enjoy na ride namin papuntang sm.

tas lakad kami papuntang mrt station. at dito na nagsimula ang aming adventure, kalokohan, at kung anu ano pa..

una..
xempre bumili kami ng tickets..kea lang, dahil sa kagalingan ko un kami umakyat sa maling side. dun sa mga pauwi na..kagaling naman talaga..nagtataka pa ko bakit alang nakapila..tas, hindi kami pinapansin nung girl..yun pala..hmmph! so lipat kami ng side..lakad nanaman..pagkabili namin ng tickets, antagaaaaal..grabe. dumami na bigla yung mga tao sa sobrang tagal. siguro 2 trains na yung umalis bago kami nakasakay. pero anyways, nakalayas naren naman kami..

pangalawa..
ayan na, cubao station na..bababa na kami..grabe. siksikan kami to da highest level. muntik na nga kaming hindi makalabas eh..nung nakalabas na ko, biglang sabi ni te en, "ui, c ryan?" lingon naman ako bigla.. ala pala xa sa likod ko. nandun pa siya sa loob ng mrt..naipit sa mga tao. haha! katuwa. first time kasi niya eh..

sa gateway kami napadpad..sooobrang init. lahat kami pawis na pawis. so una naming ginawa pagdating dun, nagpapicture na muna ko para sa upcat form ko. tapos tingin kami ng damit ni te en. basang basa kasi yung damit ko kea naisipan kong bumili ng bagong damit. haha! ala naren kasi akong damit..marami na yung maiksi saken. so ayun, bumili akong damit tas nagpalit ako ng shirt. tapos naglunch na kami..

after nun naglaro kami sa timezone..ang saya mag drums!! haha. enjoy..tapos ng exceed din kami ni te en..ang dulas. hindi rin sensitive yung mga sensors kaya kelangan mo talagang apakan ng mabigat yung mga pads.. dapat manonood kami ng sine kaya lang ang haba ng pila..katamad. pagod naren ako..kea ayun, uwi nalang kami.

nagpunta kaming gateway para kumain ng lunch at maglaro..how nice..


huling kalokohan namin..
nung pauwi na kami, ang haba ng pila..sooobra. kala nga namin ni te en pila yun ng lrt..mrt pala..kea..nag taxi kami..haha. tinamad pumila amfufu..

matiwasay naman kaming nakauwi ng bahay..pagod lang tsaka sobrang pawis..

kaya after siguro ng 1 1/2 hour ng pagpapahinga,naligo ako ulit..nagdadalawang isip pa nga ko kung maliligo ako kasi parang pagod yung katawan ko. kea lang, yaki naman kung matutulog akong ganun..sobrang lagkit. kea naligo naren ako. pero nung mga 8 na ata, biglang sumakit yung tuhod ko! waaah..parang rayuma na ewan..nalamigan ata. haha. pasaway kasi ako..pero nawala narin naman eh..

enjoy naren yung gala namin..kahit na ala kami maxadong ginawa..at least nakagala..hehe.

No comments: