blog naman.tsk. matagal na kong hindi naglalagay ng bagong post. nag-ipon kasi ako ng puwedeng sabihin para mahaba naman yung entry ko.
malapit na bumalik sa kanila yung pamangkin ko kea ngayong last week nila, ARAW-ARAW kaming mag-sswimming kasama sila. sinimulan naming araw-arawin nung sabado. akala ko nung una ayos xa kasi sa wakas, may iba na kong magagawa bukod sa paglalaro ng ps2 at matatagtag ang aming mga katawan. hindi ko naisip na nakakapagod rin pala xa. lalo na kung araw-araw.haha!
RACING. hinamon ako ng kapatid kong nag-sswimming lessons. sabi niya pustahan daw, kung cno maunang makabalik sa starting point panalo ng 100 pesos. ako naman, sa pag-aakalang hindi parin siya marunong lumangoy ay agad-agad na pumayag. kaya lang, hindi pumasok sa isip ko na nun lang pala ulit ako maglalangoy. matagal-tagal narin kasi akong hindi nakakapag-swimming. kaya ayun, xempre talo ako. haha! pero hindi ako nagbayad..kasi kakalusong palang namin, karera agad. ala man lang warm up. kea aun..
~ pero ngayon, pahinga ako. hindi ako sumama sa swimming. ala naman yung pamangkin ko eh. tsaka..ala lang. haha!
ANSAYA!. haha! sa wakas. dumating naren yung araw na pinakahihintay ko. malapit na ang enrollment at pasukan.hahaha! miss na miss ko na yung barkada ko. tsaka yung iba pang tao sa xientia. makikita ko naren sila sa wakas.
JUNE2. yebaaaah! enrollment namen to. isusuot ko nanaman ang aking pinakamamahal na uniporme.tsk. at makikita ko naren ang baclub.!! kea lang hindi ako sigurado kung magkikita nga kaming LAHAT. kasi hindi ko alam kung anong oras sila mag-eenroll at kung kasama pa nila ang kanilang mga magulang. kea, hindi rin sigurado kung gigimik kami after mag-enroll. pero niyaya ako ni yappy na manood ng sine. "Shutter" daw o kea "A Lot Like Love". haha! bahala na. hindi paren ako sigurado kung papayagan nga akong mag-sm at manood ng sine.
*pero meron akong muntikang gawing hindi mabuti nung may 26..hehehe..*
~~ nasa tower rin ang hale sa june2!! hehe. AYDOL! kea pipilitin kong pumunta sa sm sa thursday. mei gagawin akong importanteng bagay para sa isang importanteng tao.
~~nga pala, para sa makakabasa nito. AYOS ANG HALE!! lalo na yung broken sonnet, the day you said goodnight..tsaka..meron pang isa eh..kalimutan ko lang.
JUNIORS. oh yess!! at tard yir na kami. ang bilis talaga ng panahon. parang kelan lang, persh yir lang kami, tas ngayon. "ate" at "kuya" na kami. haay..at sabi nila, pinakamahirap raw third year. TSK. basta, mangangarir ako ngayon. mangangarir KAMING DALAWA ngayon. tulungan..
~ andami kong naririnig na kung ano-ano ngayong taon na to.
UNA. may nakapagsabi saken na hindi raw si ms. marie ang titser namen sa english dahil 2nd year daw xa. *hmm..ano kea nangyari kei mam dollie?* at ang ipapalit daw ay si mam arietta..*tama ba ispeling??* yakee..gudluk nalang samen.
PANGALAWA. chismis rin na sa admin daw kami. homayyyy!! bakit dun pa kami ilalagay?? ang liit ng kwarto dun ah..
PANGATLO. si sir lorenzo daw ang titser namen sa math. homaiii. gudluk nalang talaga samen.
PANG-APAT. 9 sections daw ang incoming persh yirs kea ewan ko nalang kung san sila isisiksik sa aming munting paaralan.
PANLIMA. mei nakapagsabi rin saken na ang sectioning daw ng mga persh yirs ay ranking. halo nag boys at girls. kea malas mo nalang kung napakagaling mong lalaki at nag-iisa ka sa avo.tsk. SAKLAP pare..
xempre hindi naman lahat ng narinig ko ay masama. merong namumukod tanging matino-tino..
pinakahuli. ang walang kamatayang stipend. meron na daw. 500 pesos pra sa 900 students ng kisay. kaya lang ang tanong na gumugulo saken, pano nila malalaman kung sino yung 900 students na yon?
o ayan, cguro naman mahaba-haba na to. sa uulitin!