August 13, 2005
sobrang saya nitong araw na to para saken..
UNA.. kasi tapos naren and perio!! hahaha..ansaya! pero xempre kaloka ang mga tests..ung pinoy inaasahan ko ng magiging sadistahin c mam at cguradong kakanta nnman ako..o kung ano man ung ippgawa niya sa mga bagsak..tsk. tapos, ung research naman na inaasahan kong madali lang e nakakahilo din..haay haay..pero d bale,tanggap ko kung bagsak man ako dun..buti nalang yung chem..madali dali pa..haay..
PANGALAWA..mei nangyaring kakaiba nung araw na yon..[hehehe..]
xempre PANGATLO..manonood kami ng play ngayon..sa st. scho..haha. eto na cguro ung main reason kung bakit ako masaya sa araw na to..adventure kasi..mrt at lrt kami papunta at pauwi..kea lang, ndi buo ang BaClub..ung LSAT sumabay dun kla xtian..tas cla melai,meme,cherry at dominic absent kasi nagtest para sa scholarship sa singapore..kea ang natira para magcommute..ako, ace,dana, reg, anna a.,jihad, at aurielle..kumain muna kami sa fud cort bago pmunta dun..ayaw kasi namin sumabay kila "kokak". tas mga 2.20 cguro naglakad na kami papunta sa mrt..kea lang, sa paglalakad namen sa sm nakasalubong namen ung mga sinasamahan ni "kokak"..at bigla xang ngtanong..
kokak: o, san kayo?
reg: mam dun po..
kokak: sandun? paano kayo pupunta sa play?
reg: may kotse na pong maghahatid samen..naghihintay napo ngayon..[sabay lakad agad..]
nakipagunahan pa kami sa kanila..pero, pagdating dun sa mei bridge, magkakasalubong nanaman kame..kea binagalan namen ung lakad namen..
edi aun..lakad lakad na kame..pagdating naman dun sa station, andami daming tao..kea sabi nila taxi nalang kame..nahati kaming 7..ako,reg,jihad, at anna sa isang taxi tas yung 3 sa isa..kaewanan din tong nangyari samen sa taxi..sbi namen dun sa driver st. scho tas payag xa..dito na nagsimula ang isang malaking kalokohan...
manong: "paunahin na natin sila ha.."
anna:"kuya wag po! amazing race po to..unahan nio po sila!!"
reg:" onga kuya..extra challenge to..kami na yung next batch ng stastruck.."
manong: [ndi malaman kung maniniwala o ndi] "ai ganun?"
kaming 4: "opo kuya!!"
~~~~~~~~~~~~edi drive xa...~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
manong: " san ba kayo nag-aaral?"
anna: " sa ano po...sa startsruck academy..jan po sa GMA.."
manong: " ow?"
larz,reg,jihad,: " opo kuya!!"
reg: " kami nga po yung susunod na batch ng mga starstruck..kuya, pag nauna tayo babalatuhan namen kayo dun sa premyo namen..tsaka wag nio naren pagkakalat na sumakay kami senyo ah..baka maudlot pagsikat namen.."
manong: "oo ba!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~tawa naman kami..tas matagal na katahimikan..~~~~~~~~~~~~~~~
manong: " ano bang pangalan nio?"
larz: " larz po.."
jihad: " karlo po screen name ko.."
reg: " pauline po!"
anna: " ano bang maganda? kia motors?? pwede nb un?"
~~~~~hahahaha..~~~~~~
aun..un lng naman ung mga "highlights" dun sa taxi..baka may nakalimutan nlng ako..muntikan pa pala kaming mabangga..pero buti nalang hindi natuloy..tapos, bglang salita ulit si manong..
manong: " o, dito n ba kayo?"
anna: " kuya st, scho na b to?"
manong : " ha? st. scholastica ba? ung malapit sa la salle?"
anna: " opo kuya.."
manong: " ah ganun ba?? akala ko sa ceu.."
haay grabe..antagal tagal naming nagdadaldalan tas ndi pala niya alam kung san talaga kami ngpapahatid..tsk.di bale, dinaan nalang namen sa tawa..
sa wakas! nakarating naren kami dun..whew! nakalabas naren sa taxi..buti nalang mejo matanda na c manong at na-chika pa namin..neweis, dumating naren kame sa st scho..ang haba ng pila sa labas..grabe..pero xempre, pinaiksi namen..haha..mga dakilang pasaway talaga..ang sarap dun sa loob, anlamig lamig..tas ung 2 pa dun sa actors kamukha ni sir bocato at ni pappy! saya saya..nung pauwi nag-mrt at lrt na talaga kame..masaya pala..anlamig din sa loob..xempre, pinagalitan kami ni sir sangel kasi labas masok daw kami sa mga humihintong train..kea aun..guidance daw kame..hehe..
haay grabe talaga tong araw na to..masaya..kapagod..pagdating ko ng bahay pinipilit pa kong kumain kc lunch lng ung kinain ko..haaayy..kea aun, kain naman ako..
*saya talaga nitong araw n to..mei nakita din akong matagal ko ng hinahanap..kahit sandali lang..*
No comments:
Post a Comment